Huwebes, Hulyo 28, 2011

To Much Love Can Kill (Short Story)

     Si Karina isang magandang dalaga, masunurin rin ito at mabait. May kaya ang buhay niya, pero hindi buo ang pamilya nito. Isang araw namasyal sila ng boyfriend niyang si Henry, gwapo, matalino at gagawin ang lahat para hindi sila magkahiwalay ni Karina. Nakarating na ang dalawa sa kanilang pupuntahan.
Karina- hey! Lunch tayo bun.
     "Bun" ang tawagan nila sa isa't-isa.
Henry- sige gutom na rin ako.
     Kumain ang dalawa sa isang restauran. Pagkatapos nun nanood sila ng pelikula, namili ng gamit, nagkasiyahan at nagkatuwaan. Palubog na ang araw nasa mall pa rin ang dalawa.
Karina- bun..siguro uwi na tayo?
Henry- sige bun, hatid na kita.
     
     Hindi naman stricto ang mga magulang ni Karina, pinapayagan siya kung ano ang gusto niyang gawin. 
     Nakarating na sila sa bahay ni Karina.
Karina- bye bun see you tomorrow.
Henry- sige, bye bun.
     Hinalikan siya ng dalaga sa pisngi at nagyakapan ang dalawa.
Karina- mag-ingat ka bun.
     At umalis na nag binata. Kasunod na araw, tanghalian namasyal ang dalawa. Habang kumakain may tumawag kay Karina.
Karina- bun excuse me.
     Tumango lang ang binata sa kanya. Pagkatapos ng tawag...
Karina- bun sorry, kailangan kong umalis hinahanap ako sa'min.
Henry- okey lang bun, sige umalis ka na. mag-ingat ka diyan.
     At umalis na ang dalaga. Pagdating ni Karina sa bahay nila dali-dali siyang pumunta sa sala. May nakita siyang lalakeng nakatalikod.
Karina- k-kuya?..kuya ikaw ba yan?
Izzy- Karina?.....kapatid ko!
     Nagyakapan ang dalawa. Si Izzy ay ang kuya ni Karina, matagal na silang hindi nagkita dahil noong maliit pa lang si Izzy, nawala siya. Pinahanap nila pero hindi nila nakita akala nga nila patay na ito. Buti na lang may tumulong kay Izzy.
Izzy- ang ganda naman ng kapatid ko.
Karina- mabuti na lang kuya buhay ka... iyak ako ng iyak noong nawala ka.
Izzy- well.. nandito na ako at salamat sa mga taong tumulong sa'kin.
     Noong gabi na, naghapunan ang pamilya ni Karina. Si Henry naman tinatawagan siya. Hindi alam ni Karina na tumatawag pala si Henry, kasi naka-silent mode ito. Ilang bese tumatawag si Henry at nairita na siya dito. Mga ilang araw ding hindi nagkita ang dalawa.
     Isang araw nakita niya si Karina sa mall may kasamang lalake. Nagulat siya at iniisip niya na baka pinalitan na siya ng dalaga.
    
     Kasunod na araw, umalis ang kuya ni Karina pumunta ito sa parke hindi niya alam na sinusundan pala siya ng kapatid niya.
Karina- hihi..magugulat talaga si kuya.
     Bumili ng bulaklak si Izzy para itanim sa bahay nila. Nakita at namukhaan ni Henry si Izzy, ubod ng galit at selos si Henry. May dala siyang maliit na kutsilyo. Bumili ng icecream si Karina.
     Nilapitan ni Henry si Izzy, hinipo niya ito at humarap si Izzy sa kanya.
Izzy- yes, can I help you?
     Sinaksak ni Henry ang kutsilyo sa tiyan ni Izzy. Yun ang eksenang naabutan ni Karina. Tumulo ang luha sa mga mata niya.
Karina- Izzy?...aaaaa!!!!!
     Nakita ni Henry si Karina at nilapitan ito.
Henry- wala nang may mag-aagaw sa'yo. Akin ka!
Karina- bakit??...tulong!!!
     Buti na lang may guwardiya at hinuli si Henry. Nasa kulongan na siya.
     Isang araw binisita siya ni Karina. 
Henry- Karina. buti na lang binisita mo ako. Mis na kita bun, sobra.
Karina- wag na wag mo akong tawaging bun!!!!
Henry- ano??.. nakipaghiwalay ka sa'kin?
Karina- oo, at sana habang-buhay ka na diyan sa kulungan!!
Henry- what?! why Karina...I love you.
     Tumulo ang luha ni Karina.
Karina- I will never forgive the man, who killed my brother.
     Umalis na ang dalaga at naiwang tulala si Henry.


          =  Ang Pagtatapos =